^

Metro

Higit 60K PUVs mayroon nang fuel subsidy ng gobyerno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 60K PUVs mayroon nang fuel subsidy ng gobyerno
Gasoline station workers fill up jeepney fuel tanks along Sta. Cruz Avenue in Manila on September 18, 2023.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umabot na sa 63,864 unit ng mga pampublikong sasakyan nationwide ang nabiyayaan ng fuel subsidy ng pamahalaan sa loob ng unang dalawang araw na pamamahagi nito.

Sa datos ng Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), umabot sa 23,047 na mga operator ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa ang nakatanggap ng naturang subsidiya sa unang araw ng pag-arangkada ng pamamahagi ng fuel subsidy, habang 40,817 naman nabigyan sa ikalawang araw.

Sa kaparehong datos, naitala na karamihan sa mga naunang nabigyan ng naturang subsidiya ang mga operator ng mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) habang nakatanggap na rin ang mga operator ng mga Modern Public Utility Jeepney (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Mini-bus (MB), Tourist Transport Services (TTS), School Transport Services (STS), Filcab, at iba pang mga pampasaherong sasakyan.

Bukod dito, nakatanggap din ng fuel subsidy ang mga operator ng Mini-bus (MB), Tourist Transport Services (TTS), School Transport Services (STS), at mga Filcab.

Kaugnay nito, tiniyak ng LTFRB na tuluy-tuloy na ang pamamahagi ng subsidiya makaraang makakuha ng exemptions mula sa Commission on Elections (Comelec) para sa election ban.

Magugunitang ang fuel subsidy ay ibinigay ng pamahalaan sa mga PUVs na lubhang naapektuhan nang walang humpay na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

FUEL SUBSIDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with