^

Metro

Paggamit ng half fossil fuel, ibinida ni Mayor Joy sa UN Summit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakiisa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa United Nations Climate Ambition Summit (UNCAS) New York Climate Week 2023.

Dito, nagkaroon ng pagkakataon si Mayor Belmonte na makibahagi sa round table discussion kung saan tinalakay nito ang mga aksyon at inisiyatibo ng lokal na pamahalaan para sa “half fossil fuel use by 2030”.

Kasama rito ang pagtatalaga ng Quezon City Enhanced Local Climate Change Action Plan kung saan nakapaloob ang mga hakbang upang makamit ang “carbon neutrality,” maisulong ang green economic development, at masiguro ang high-quality living environment para sa lahat ng residente.

Sa isinagawang presser, inisa-isa ni Ma­yor Belmonte  ang mga programa ng QC kasama ang urban farms, decarbonization strategies sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy sa mga city-owned buildings at facilities, energy efficient transportation fleet, at ang nalalapit na pagpasa ng Green Building Ordinance.

Binigyang-diin din ni Belmonte na kung gaano kahalaga ang climate financing para sa green, sustainable, at fossil-fuel-free future.

Ilan sa nakasama ni Mayor Joy sa naturang summit sina New York City Mayor Eric Adams, Milan Mayor Giuseppe Sala, Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr, at C40 Cities Executive Director Mark Watts.

MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with