Arabong ‘adik’ nangmolestya ng 1-anyos sa hotel, arestado
MANILA, Philippines — Arestado ang isang Arabo nang ireklamo ng kanyang nobya nang paggamit ng ilegal na droga at umano’y pangmomolestiya sa 1-taong gulang nitong anak sa loob ng isang hotel sa Quezon City kamakalawa.
Ang suspek ay kinilalang si Husain Mohamed Hasan Ahmed Alhosani, 49-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy. Bungad, QC.
Ang dayuhan ay inaresto nitong hatinggabi ng Huwebes, base sa reklamo ng kanyang nobyang Pinay na di na pinangalanan para sa proteksiyon nito.
Batay sa reklamo ng ginang sa Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station, na nobyo umano niya ang dayuhan na dumating kamakailan sa bansa upang magbakasyon ng dalawang buwan at nanunuluyan sa naturang hotel.
Bago ang pag-aresto, dinalaw umano ng Pinay ang nobyo sa hotel, kasama ang kanyang dalawang anak na nagkakaedad ng isa at 13.
Nagulat na lang umano ang ginang nang pagpasok niya sa banyo ay makita roon ang suspek na gumagamit ng ilegal na droga. Dito na umano siya pinilit ng suspek na gumamit din ng ipinagbabawal na gamot.
Habang nakahiga naman umano sila sa kama ay inutusan siya ng suspek na tumalikod ngunit nang paglingon ay nakita umano niyang hinihipuan ng suspek ang kanyang sanggol.
Dito na nagpasya ang ginang na isumbong ang ginawa ng suspek sa kanyang kapatid, na siya namang nagsuplong sa mga otoridad.
Kaagad na inaresto ng mga pulis ang suspek na nagtangka pang manlaban at todo-tanggi sa paratang sa kanya. Nakumpiska sa kanya ang may 3-gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest