^

Metro

Liquor ban sa Muntinlupa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Liquor ban sa Muntinlupa
Isasagawa ang pagsusulit sa SBCA mula Setyembre 16 hanggang 24. Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Ruffy Biazon sa mga tagasuporta ng mga examinees na makipagtulungan sa mga awtoridad para mapanatili na payapa ang event at matiyak ang kaligtasan ng mga kukuha ng eksaminasyon.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ng liquor ban sa susunod na dalawang linggo sa bisinidad ng San Beda College- Alabang (SBCA) campus kaugnay ng idaraos na 2023 Bar Examinations.

Isasagawa ang pagsusulit sa SBCA mula Setyembre 16 hanggang 24. Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Ruffy Biazon sa mga tagasuporta ng mga examinees na makipagtulungan sa mga awtoridad para mapanatili na payapa ang event at matiyak ang kaligtasan ng mga kukuha ng eksaminasyon.

Lahat ng establisimyento na nasa 500 kilometrong layo sa SBCA ay hindi papayagang makapagbenta ng alak sa publiko sa naturang mga petsa, base sa Executive Order No. 45, S. 2023.

Samantala, naglabas naman ng traffic advisory ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas ukol sa inaasahang pagbubuhol ng trapiko sa may Alabang-Zapote Road partikular sa may Don Manolo Boulevard dahil na rin sa bar exams.

“This event is anticipated to attract thousands of examiners, their families, and spectators, contributing to heavy traffic in and around the venue,” ayon sa lokal na pamahalaan.

Inabisuhan ang mga residente ng Las Piñas na planuhing mabuti ang kanilang biyahe at maglaan ng ekstra na oras sakaling maipit sa mas mabigat na trapiko.

“Friendship sticker holders may use the alternative routes provided to avoid traffic congestion,” ayon pa sa advisory.

vuukle comment

BAR EXAMINATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with