^

Metro

P5K ayuda sa rice retailers, ipinamahagi sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng P5,000 cash assistance ang Caloocan City government sa mga rice retailers, bilang dagdag ayuda sa ipinamahaging P15,000 ng national government.

Sinimulan ng Caloocan LGU ang pamamahagi ng ayuda sa Maypajo Public Market.

Ayon kay City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang P5,000  ayuda ay una na niyang  ipinangako sa mga negosyanteng maapektuhan ng  implementasyon ng EO 39 at handa pa rin silang magbigay ng dagdag na tulong kung kinakailangan.

Una nang  nagbigay  ng P15,000 ang  national government sa mga rice retailers upang  hindi lubusang  malugi habang ipinatutupad ang Market Price Cap.

“Asahan niyo po na hangga’t epektibo ang MPC, patuloy nating titiyakin na protektado ang karapatan ng mga mamimili kasabay ng pangangalaga rin sa interes ng mga lokal na negosyo,” ani Malapitan.

Umapela rin si Malapitan na makapagpasa ng  ordinansa ang  konseho na naglalayon tanggalin ang bayad sa renta  sa puwesto ng mga negosyante na malaking tipid  habang  ipinatutupad ang  MPC sa merkado.

Ayon sa mga rice retailers, naniniwala sila na ang naging desisyon ni Pangulong Marcos ay makakatulong upang maiwasan na ang hoarding, smuggling at profiteering sa bigas.

MPC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with