^

Metro

Presyo ng kamatis, umabot sa P300/kilo

Bella Cariaso - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng kamatis, umabot sa P300/kilo
A vendor displays tomatoes priced at P300 per kilogram in Marikina on September 7, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umabot na sa P300 sa kada kilo ang presyuhan ng kamatis sa palengke sa Marikina City dahil na rin umano sa kakulangan sa suplay nito.

Nabatid na ang P300 sa kada kilong bentahan sa kamatis sa lungsod Marikina City ay P70 mas mataas kumpara sa naging previous monitoring ng Department of Agriculture (DA) kung saan ang presyo ay umakyat sa P230 per kilo.

Base sa monitoring ng DA sa 13 pamilihan sa Metro Manila, ang retail price ng kamatis saNew Las Piñas City Public Market ay nasa P200-P210 per kilo; Guadalupe Public Market sa Makati City, ay nasa pagitan ng P180 at P200 per kilo; San Andres Market sa Manila, nasa P200-P220 per kilo; Quinta Market sa Maynila pa rin sa pagitan ng P180 hanggang P200 per kilo; Pritil Market sa Manila, P180-P220 per kilo; Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa in Muntinlupa City; Pasay City Market sa Pasay City, between P170 hanggang P180 per kilo; Pasig City Mega Market sa Pasig City, P170-P180 per kilo; Commonwealth Market sa Quezon City, P180 per kilo; Muñoz Market sa QC nasa P150-P160 per kilo; Mega Q-mart, P180 - P200 per kilo at Malabon Central Market P160 hanggang P180 per kilo.

Sa isang radio interview, sinabi naman ni Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) General Ma­nager Gilbert Cumila na ang wholesale price ng mga gulay (kamatis) ay nananatiling mataas sa P120 to P130 per kilo dahil nga sa kakulangan ng supply.

“The price is really high as the wholesale price here in NVAT in Nueva Vizcaya ranged between P120 and P130 per kilo. There is really a shortage in the supply (of tomatoes) Luzon-wide,” Cumila said.

Idinagdag pa nito na base sa monitoring sa Ta­nauan, Batangas, ang wholesale price ng kamatis ay pumalo na sa P130 hanggang P150 per kilo.

Maging ang wholesale prize ng lahat ng gulay sa NVAT ay nagtaasan din.

Bagamat araw-araw umanong naidedeliber sa NVAT ang mga gulay, hindi umano kinakaya ng supply ang demand dito.

KAMATIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with