^

Metro

Antas ng tubig sa Marikina River, itinaas sa unang alarma

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Antas ng tubig sa Marikina River, itinaas sa unang alarma
Umabot sa 15.7 meters ang itinaas ng tubig sa Marikina River kahapon sa kasagsagan ng malakas at walang humpay na pag-ulan dala ng habagat kung saan itinaas ng pamahalaang lungsod ang unang alarma dakong alas-8 ng umaga. Ilang sasakyan din ang nakitang nalubog sa pagtaas ng tubig.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Itinaas sa unang alarma ang antas ng tubig sa Marikina River, kahapon.

Ito’y bunsod na rin ng nararanasang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan, na hatid ng habagat na pinalakas na tatlong tropical cyclones.

Batay sa abiso ng Marikina City Government, na pinamumunuan ni Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nabatid na hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon ay umabot na sa 15.8 metro ang water level ng ilog.

Unang itinaas sa unang alarma ang antas ng tubig sa ilog dakong alas- 5:35 ng madaling araw nang umabot ito sa 15.0 metro.

Mahigpit naman ang monitoring ng mga awtoridad upang matukoy kung magpapatuloy pa ang pagtaas ng tubig.

Layunin nitong kaagad na maabisuhan ang mga residente, sakaling kakailanganin na ng mga ito na lumikas mula sa kanilang mga tahanan at magtungo sa mas ligtas na lugar.

MARIKINA RIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with