^

Metro

QCPD chief nagbitiw matapos magpa-presscon para sa nanutok na ex-PNP

James Relativo - Philstar.com
QCPD chief nagbitiw matapos magpa-presscon para sa nanutok na ex-PNP
Retired policeman Willie Gonzales is seen in images taken from video drawing a gun on a cyclist and striking him on the head during a traffic altercation near the Welcome Rotonda in Quezon City on Aug. 8. Lower right photo shows Gonzales and Quezon City Police District chief Brig. Gen. Nicolas Torre III (left) holding a press conference at Camp Karingal yesterday, with the pistol Gonzales used in the incident in the foreground.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbitiw sa pwesto si Quezon City Police District Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III matapos mabatikos ang pagpapa-press conference para sa suspek na nanakit at nagkasa ng baril laban sa isang siklista.

Kaugnay pa rin ito ng kaso ng dating pulis na si Wilfredo "Willie" Gonzales na nasangkot sa isang "road rage" incident noong ika-8 ng Agosto. Lunes nang paharapin ni Torre si Gonzales matapos mag-viral ang video ng kanyang pagbunot ng baril sa 'di armadong lalaki sa Welcome Rotonda, QC.

Una nang inutusan ni QC Mayor Joy Belmonte ang QC People’s Law Enforcement Board para imbestigahan kung paano hinawakan ng QCPD ang kaso ni Gonzales. Sinabi ito ng alkalde habang idinidiing hindi niya hahayaan ang whitewashing ng isyu.

"I have long talked with [Mayor Belmonte] and I may not be at... liberty to divulge the things that we have discussed," ani Torre ngayong Miyerkules sa ABS-CBN News tungkol sa higit isang oras na pag-uusap nila ni Belmonte sa QC City Hall.

"I'm leaving the post to give way to an impartial investigation," dagdag ni Torre. 

Matatandaang pinuna ng publiko ang naturang media briefing sa dahilang tila binibigyan daw ng QCPD ang dati nilang kabaro ng "VIP treatment."

Una nang sinabi ni Belmonte na dismayado siya nang hayaan lang ng QCPD Station 11 na agad matapos sa "aregluhan" ang insidente.

Hinihikayat din ng alkalde ang hindi pa pinapangalanang siklista na humarap upang mapanagot si Gonzales, bagay na tinatawag ni Belmonte bilang "menace to society."

Pagsisisi ni Torre

Miyerkules lang nang humingi ng tawad si Torre patungkol sa pagbibigay ng avenue sa dating pulis, na nakitang nananampal ng siklista habang nagbabantang mamaril.
Sinasabing nabangga ng siklista ang sasakyan ni Gonzales.

"I really regret that press conference. I really regret that deeply. I apologize to the Filipino people for those actions because those are decisions made in a very short span of time," paliwanag ni Torre kahapon sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

"In hindsight, we have 20/20 vision. I could have done it better with the same result pero nangyari na," aniya.

Sa kabila ng lahat ng ito, nagpasalamat naman si Torre kay Belmonte para sa oportunidad na ibinigay sa kanya para pamunuan ang QCPD.

Siklista 'tinakot ng mga pulis'

Ayon sa abogadong si Raymond Fortun, na siyang nagbahagi ng viral video ni Gonzales, na hindi makapaghain ng reklamo ang ang siklista matapos daw pagbantaan ng mga pulis.

"'Yung siklista takot na takot po 'yan. 'Wag niyo na po labanan 'yan kasi takot na takot po ako.' Alam 'yung cellphone number niya, alam 'yung bahay niya. Nasa [kanila] 'yung ID. Alam kung saan nagtatrabaho," ani Fortun sa TeleRadyo Serbisyo.

"Abuse of power ang nangyari. Makikita niyo naman sa video. The video will not lie. Sa aking pananaw, maling-mali po 'yung kabilang party."

Matapos sampalin at takutin ng baril, sinabi ni Fortun na pinwersa raw ang siklista sa himpilan ng pulis at pinapirmahan ng pahayag na "siya ang may kasalanan" sa insidente.

Pagdidiin pa ni Fortun, walang abogado ang siklista nang magkapirmahan habang naroon ang mga kabaro ng pulis. Bukod pa rito, pinagbayarad pa raw siya ng P500.

Wala rin daw aniya sinabi sa pinapirma na binatukan siya at kinasahan ng baril.

Ipinatawag ni Senate Committee on Public Order char Sen. Ronald "Bato" dela Rosa si Gonzales sa isang pagdinig sa Senado na gaganapin sa Lunes para ipaliwanag ang kanyang panig.

CYCLIST

GUN

POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROAD RAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with