^

Metro

Single Ticketing System ipatutupad na rin sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Single Ticketing System ipatutupad na rin sa Caloocan
Sa pagpapatupad ng bagong sistema, tumanggap ng 30 ma­kabagong ticketing device ang mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) mula kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipatutupad na rin ng Caloocan local go­vernment ang Single Ticketing System (STS) alinsunod na rin sa napagkasunduan ng iba pang alkalde ng Kalakhang Maynila hinggil sa mga traffic viiolation.

Sa pagpapatupad ng bagong sistema, tumanggap ng 30 ma­kabagong ticketing device ang mga tauhan ng Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) mula kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

Layon ng mga bagong ticketing device na ipinamahagi para sa North at South unit ng  PSTMD na maging maayos  at iisa ang sistema ng pagbibigay ng penalty  sa local at national traffic regulations.

Apela ni  Malapitan  sa  mga motorista na sundin ang mga  traffic rules  upang maiwasan ang  aberya at anumang  isyu sa pagitan ng  motorista at mga traffic enforcers.

“Tulong-tulong po tayong lahat kasama ng PSTMD, City Treasury Department, pati na ang Caloocan City Police Station (CCPS) upang maayos na maipatupad ang STS sa ating lungsod,” ani Malapitan.

Naniniwala rin si Malapitan na sa bagong single ticketing system mababawasan ang  corruption at pangingikil.

vuukle comment

PSTMD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with