^

Metro

Sharing ng motorsiklo, bisikleta sa bicycle lane isinusulong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sharing ng motorsiklo, bisikleta sa bicycle lane isinusulong
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel guard the EDSA bike lane on August 21, 2023.
Photos by Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road sharing sa pagitan ng mga motorsiklo at bisikleta sa bicycle lane sa EDSA.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na nagsasagawa na sila ng paunang pag-aaral na nakatutok sa posibilidad na gawing ‘shared lane’ ito para sa motorsiklo at bisikleta.

“Ang EDSA bicycle lane ay underutilized. Kaya nagsasagawa ang MMDA ng preliminary study na magtatapos ngayong linggo,” saad ni Artes.

Magkakaroon ng stakeholders meeting sa Agosto 29 na dadaluhan ng mga grupo ng mga siklista at motorcycle ri­ders para pag-usapan ang panukala.

Inamin ni Artes ang mga hamon sa EDSA tulad ng malaking bilang ng mga motorsiklo. Sa datos ng kanilang MMDA Traffic Engineering Center, nitong Hulyo 17, nasa 165,000 motorcycle units ang tinatayang dumaraan sa EDSA kada araw.

Matapos ang konsultasyon, ilalapit ito ng MMDA sa DOTr na siyang may pinal na desisyon dahil sa proyekto nila ang bicycle lane.

“For now, we will only remind the motorcycle ri­ders not to use the EDSA bicycle lane,” saad pa ni Artes.

Kahapon dakong alas-12 ng tanghali, nasa 99 na motorsiklo, 5 kotse, 1 SUV, 2 closed van at 15 na jeep na ang nasita ng MMDA dahil sa pagdaan sa bicycle lane.

BICYCLE

MOTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with