^

Metro

‘Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue’, aprub sa Quezon City LGU

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue�, aprub sa Quezon City LGU
Santiago.
STAR / File

Kapalit ng Agham at BIR Road

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na welcome at buong puso nilang sinusuportahan ang pag-apruba ng Senado sa panukalang ipangalan kay dating Senator Miriam Defensor-Santiago ang Agham at BIR Roads sa lungsod, dahil ito’y mala­king karangalan para sa kanila.

“Buong puso po nating sinusuportahan ang hakbang na ito ng Senado na ipangalan kay dating Senador Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada ng ating lungsod,” ayon pa kay Mayor Joy, sa isang pahayag.

Anang alkalde, “Napakalaki pong karangalan para sa ating siyudad na dalhin ang pangalan ng ating senadora na walang takot na lumaban kontra katiwalian at tumayo para sa kapakanan at karapatan ng taumbayan.”

Matatandaang sa 22 affirmative votes at zero negative votes o abstention, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang House Bill 7413 na naglalayong palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR Road at gawin itong “Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.”

Si Santiago, na pumanaw noong Setyembre 2016 matapos ang pakikipaglaban sa lung cancer ay humawak ng mara­ming posisyon sa tatlong sangay ng pamahalaan.

Nagsilbi rin siya bilang presiding judge ng Quezon City Regional Trial Court at nagtrabaho bilang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) at kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR). Tatlong termino rin siyang naging senador ng Pilipinas.— Angie dela Cruz

vuukle comment

AGHAM

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with