Huling istasyon ng LRT-1, tatawaging FPJ station
MANILA, Philippines — Tatawagin nang Fernando Poe Jr. Station ang huling istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na dating Roosevelt Avenue station bilang pagkilala sa naging ambag sa Pelikulang Pilipino ng namayapang aktor, director, producer at writer.
Ito ay bunsod na rin sa umiiral na batas na RA 11608 na nagpalit sa Roosevelt Avenue na nasa unang distrito ng QC bilang Fernando Poe Jr. Avenue.
Dahil ang FPJ Avenue ay final stop ng LRT-1, kung kaya tatawagin itong Fernando Poe Jr. station ng naturang rail transit.
Noong taong 2006 ay naideklara ni dating Pangulong Gloria Arroyo si FPJ bilang National Artist for Cinema.
Tumangap din ang pamilyang Poe ng posthumous recognition noong 2012 sa panahon ng Administrasyong Aquino dahil sa mga tanyag na pelikula ni FPJ.

Angie dela Cruz

- Latest