27 pang Navotas police, sinibak din sa puwesto
Sa insidente ng ‘mistaken identity’
MANILA, Philippines — Sinibak na rin sa puwesto ang nasa 27 pang pulis ng Navotas City Police kaugnay sa insidente ng ‘mistaken identity’ kung saan isang 17-anyos na binatilyo na si Jemboy Baltazar.
Ayon sa Northern Police District (NPD), ang mga sinibak sa puwesto ay sasailalim sa retraining at refresher courses matapos ang kontrobersiyal na ‘mistaken identity’ na naganap sa Brgy. NBBS Kaunlaran sa Navotas City.
Tanging ang mga may administrative duties lamang ang mananatili sa puwesto.
Matatandaang naglilimas ng tubig sa bangka si Jemboy kasama ang kaibigan nang paputukan ng anim na pulis na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Bagama’t todo tanggi ang mga pulis na hindi si Baltazar ang kanilang target, ni-relieve pa rin ang mga nagsagawa ng operasyon at ngayo’y nakakulong sa NPD Headquarters.
Kinasuhan na rin ng recklesss imprudence resulting in homicide ang anim na pulis na sangkot sa shooting incident.
Bukod pa ang kasong grave misconduct na kasong administratibo.
Samantala, tiniyak naman ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mabibigay ang hustisya at proteksiyon sa pamilya ni Jemboy.
Bumisita si Acorda sa burol ni Jempoy kung saan tiniyak nito sa pamilya ng biktima na patututukan niya ang kaso upang masiguro na walang makukuhang VIP treatment ang mga sangkot na pulis.
- Latest