^

Metro

17-anyos binatilyo biktima ng ‘mistaken identity’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
17-anyos binatilyo biktima ng ‘mistaken identity’
Ito naman ang pag-amin ni Navotas City Police chief Colonel Allan Umipig, kasabay nang pagsasabing nasa restrictive custody na ang anim na pulis na sinasabing nakabaril sa biktimang si Jemboy Baltazar.
STAR / File

Nabaril, napatay ng mga pulis-Navotas

MANILA, Philippines — Biktima ng ‘mistaken identity’ ang 17-anyos na binatilyo na pinagbabaril at napatay ng mga pulis-Navotas, kamakailan sa naturang lungsod.

Ito naman ang pag-amin ni Navotas City Police chief Colonel Allan Umipig, kasabay nang pagsasabing nasa restrictive custody na ang anim na pulis na sinasabing nakabaril sa biktimang si Jemboy Baltazar.

Naganap ang insidente noong nakalipas na Agosto 2 sa Brgy. Kaunlaran sa Navotas.

Isang suspect sa pamamaril sa barangay ang sinasabing tinutugis ng mga pulis.

Sa ikinasang follow-up operation, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagtatago sa isang bangka sa NBBS ang suspek.

Ayon pa sa Navotas-Police na hindi si Baltazar ang hinahanap na suspek, at mali ang proseso sa ginawang operasyon.

“Late na nilang nalaman. Nalaman na nilang iba pala ang nandoon na kanilang napatay. Dahil tumalon sa tubig, nagkamali sila dahil sa pagpapaputok sa tubig at tinamaan ang biktima,” ani Umipig.

Dagdag ni Umipig, dapat ay ginamitan ng mga pulis ng megaphone ang binatilyo para sabihan na sumuko nang maayos.

Subalit lumilitaw na nagwarning shot ang mga pulis na ipinagbabawal sa batas.

Hindi naman matanggap ng pamilya ang sinapit ng biktima, na isang OFW ang ina.

Ayon kay Rodaliza, ina ng biktima at OFW ngayon sa Qatar, sadyang hindi binuhay ng mga pulis ang kaniyang anak dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa mukha.

Nasa restrictive custody na ang anim na pulis sa Northern Police District at nahaharap sa kasong homicide.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with