Big time oil price hike, sasalubong ngayong unang araw ng Agosto
MANILA, Philippines — Kalbaryo sa big time oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa unang araw ng Agosto, ngayong Martes.
Ito ay makaraang mag-abiso ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. na sila ay magtaas sa halaga ng kanilang gasolina ng P2.10 kada litro, samantalang tataas ang presyo ng diesel ng P3.50 sa kada litro at aabutin naman sa P3.25 ang itataas sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa Cleanfuel, Phoenix Petroleum Philippines Inc. at PTT Philippines Corp. ganitong price adjustments din ang kanilang ipapatupad maliban sa kerosene .
Ang big time oil price hike ay ipatutupad ng naturang mga oil companies ngayong Martes (August 1) simula alas- 6 ng umaga maliban sa Caltex na ang price adjustment ay magsisimula alas-12:01 ng madaling araw at ang Cleanfuel ay alas -4:01 pa ng hapon ng Martes.
Ito na ang ikatlong linggo ng pagpapatupad ng oil price hike sa gasolina at ikaapat na linggo na sa pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene.
Wala namang abiso ang ibang oil companies sa oil price adjustment ngayong linggo.
- Latest