^

Metro

1.3 tonelada ng expired na karne nasamsam sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1.3 tonelada ng expired na karne nasamsam sa Pasay
Pawang nakasilid sa mga plastic na may tatak at detalye na hinihinalang Chinese character, kaya’t patuloy pa ang proseso na mai-translate sa wikang maiintindihan ng mga im­bestigador.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 1,300 kilo o 1.3 toneladang expired na karne ng peking duck at iba pang produkto ang kinum­piska sa magkasanib na pagsalakay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga tauhan ng Vetirinary Office ng Pasay City local government, sa magkakahiwalay na tindahan sa lungsod ng Pasay, kahapon.

Pawang nakasilid sa mga plastic na may tatak at detalye na hinihinalang Chinese character, kaya’t patuloy pa ang proseso na mai-translate sa wikang maiintindihan ng mga im­bestigador.

Ayon kay Mr. Edelito Remalente, market supervisor II ng Pasay Veterinary Office, dakong- alas- 10:00 ng umaga nagsimula ang raid sa mga tindahan na matatagpuan sa Hernandez St. corner Harrison St., Pasay City.

Magkakasanib na suma­lakay ang mga kinatawan ng National Meat Inspection Services-Central Office, NMIS-National Capital Region, Department of Agriculture, Pasay Veterinary Office at Pasay Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Sinabi ni Remalente na for further investigation pa ang mga nakumpiska at hindi pa matiyak kung magkano ang kabuuang halaga dahil sa patuloy pa ang translation sa mga nakasulat na detalye sa mga nakumpiskang produkto.

Pinaniniwalaang pa­wang mga expired ang mga produkto bukod pa sa walang kaukulang dokumento ng importasyon ang mga ito.

Dadalhin sa Bulacan ang mga nakumpiskang karne para sa ‘rendering’ o gigilingin para gawing ‘feeds’ upang hindi na maibenta at makonsumo ng publiko.

Wala namang naarestong indibidwal o negos­yante sa operasyon dahil pawang mga tauhan lamang ang mga nadatnan ng mga awtoridad sa raid.

EDELITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with