Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit
MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod.
Ang kasunduan para sa integration ay nilagdaan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Trade Secretary Alfredo Pascual na may malaking tulong para higit na mapadali ang pagproseso ng mga negosyo, agad makita ang mga pinekeng submission ng mga requirements at epektibong masubaybayan ang compliance ng mga QC-based businesses.
“Since one of the requirements for processing the business permits of sole proprietors is the certificate of business name registration (CBNR) from DTI, we need to ensure compliance. Instead of manually verifying the authenticity of CBNRs, the integration will allow digital processing of data and documents thereby speeding up the process,” pahayag ni Belmonte
Batay sa rekord ng DTI, tumaas ng mula 35 percent sa 75 percent ang business name applications base sa payment collections na natanggap mula nang mailunsad ang BNRS Next Gen noong 2019, habang ang Quezon City ay may mahigit 65,000 businesses na halos kalahati nito ay rehistrado sa CTI.
Samantala, nakipagkasundo rin si Mayor Belmonte sa 142 barangays ng QC para sa integration ng barangay clearance at barangay business permit fees sa OBPAS.
Sa pamamagitan ng integration ng barangay business permit fees at clearances application, ang QC LGU ay awtomatikong kokolekta ng bayarin na magpapataas sa revenues ng mga barangay.
Tiniyak ni Belmonte na sa pamamagitan ng dalawang kasunduan ay may malaking tulong ito na magkaroon ng pagbabago sa entrepreneurial landscape at magkaroon ng isang culture of innovation, competitiveness, at economic prosperity sa QC.
- Latest