Presyo ng petrolyo, bababa ngayong Martes
MANILA, Philippines — Magpapatupad ng karampot na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na ang presyo ng gasolina ay matatapyasan ng P0.35 kada litro.
Ang presyo naman ng kerosene ay matatapyasan ng P0.30 kada litro.
Habang ang diesel naman ang inaasahang magkakaroon ng pinakamaliit na pagbaba na aabot lamang ng P0.10 kada litro.
Ang Cleanfuel ay magpapatupad rin ng kahalintulad na price adjustment sa gasolina at diesel, maliban sa kerosene, na hindi kasama sa kanilang mga produkto.
Ang price adjustment ay magiging epektibo ganap na alas-6:00 ng umaga ngayong Martes, Hunyo 20, para sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng price adjustment ganap na alas-12:01 ng madaling araw, sa nasabi ring araw.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng presyo nito sa world market.
Ang pinal na price adjustment sa presyo ng petroleum products ay karaniwang inaanunsiyo tuwing araw ng Lunes at ipinatutupad naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest