Pagiging ‘Fashion Capital’ ng Maynila, bubuhayin
MANILA, Philippines — Babawiin ng lungsod ng Maynila ang pagiging ‘Fashion Capital’ nito partikular ang Malate, sa paglulunsad ng magarbong fashion show na tatawaging “Rampa Manila”.
“We would like Manila to reclaim it’s place in Philippine fashion and culture, promote our local artist and the shops on division that play a big role in the tectile trade. Manila offer a wide variety of inspiration and source of materials,” ani Lacuna, sa pulong-balitaan kahapon sa paglulunsad ng Rampa Manila.
Kasama ang ilang mga designers, sinabi ni Bang Pineda, creative director ng Rampa Manila na nais nilang mabuhay ang industriya ng fashion at ng mga designer sa siyudad. Ang Malate umano ang orihinal na fashion capital noon partikular sa Maria Orosa.
“Nawala na yung eksena sa Maynila na well known na fashion designer. We should bring back the glory of Manila,” pahayag pa ni Pineda.
Sinabi naman ni Doris Jimenez, isa sa mga designer, partikular na irarampa ang mga Filipiniana gowns na dinisenyo ng mga lokal na designers, maging mga baguhan tulad ng college student na si John Jade Montecalvo.
Nilinaw naman ni Lacuna na walang ilalabas na pondo ang Manila LGU para sa gagawing Rampa Manila na buong ginastusan ng mga isponsor nito.
- Latest