40 katao ‘nalason’ sa chicken pastil
MANILA, Philippines — Mahigit sa 40 katao ang naging biktima ng food poisoning sa Barangay Upper Bicutan, Taguig kamakalawa.
Ayon sa Taguig City government, sa isang food stall hinihinalang sanhi ng food poisoning kung kaya ipinag-utos na ng City Health Office na isara ito hanggang sa matapos ang imbestigasyon.
Sa mahigit 40 na biktima, 13 rito ang isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital, pito ang nasa iba pang ospital at 22 ang pinauwi matapos sumailalim sa check-up at makatanggap ng gamot sa incident command post.
Hinihinalang sa kinain umanong chicken pastil kaya naospital ang mga biktima na ito ay patuloy pang tinitignan ng mga awtoridad.
Kumuha na ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) ng City Health Office ng food sample para suriin, samantalang susuriin din ng Sanitation Office ang water source.
- Latest