^

Metro

P2.1 milyong Ketamine nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa P2.1 mil­yong halaga ng Ketamine ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark habang nadakip ang clai­mant nito sa ikinasang follow-up operation sa Pasig City, kamakailan.

Sa ulat, unang nasabat ang ilegal na droga sa Port of Clark nang magpakita ng positibong indikasyon ang K-9 unit sa isang parcel na idineklarang mga tsokolate.

Isinailalim sa X-ray at physical examination ang parcel at nadiskubre ang puting pulbos na kemikal na itinago sa glass container ng scented candle.

Nang isailalim sa chemical laboratory analysis ng PDEA, nagpositibo ang substance na Ketamine na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Dito nagkasa ang mga elemento ng Port of Clak at PDEA ng ‘controlled deli­very’ sa importer sa address nito sa Pasig City nitong Mayo 18 na nagresulta sa pagkakadakip sa 23-anyos na lalaki.

Isa pang suspek ang pinag­hahanap sa ngayon.

KETAMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with