^

Metro

‘Pulis sa barangay’ arangkada na sa Metro Manila - NCRPO chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Pulis sa barangay’ arangkada na sa Metro Manila - NCRPO chief
Sa kanyang pagdalo sa isinagawang Grand Health Caravan sa Brgy. 175 sa Caloocan City, sinabi ni Okubo na handa ang NCRPO sa iba’t ibang proyekto sa barangay tulad ng pagbibigay ng libreng medical at dental service, libreng reading/eye glasses, tuli at ma­ging ang pagkuha ng birth certificate.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Edgar Alan Okubo na tuluy-tuloy na rin ang arangkada ng kanilang programang Revita­lized Pulis Sa Barangay (RPSB) sa Metro Manila na layong maibigay ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan gamit ang mga police personnel.

Sa kanyang pagdalo sa isinagawang Grand Health Caravan sa Brgy. 175 sa Caloocan City, sinabi ni Okubo na handa ang NCRPO sa iba’t ibang proyekto sa barangay tulad ng pagbibigay ng libreng medical at dental service, libreng reading/eye glasses, tuli at ma­ging ang pagkuha ng birth certificate.

Ani Okubo, dahil sa layo at gastos na problema ng isang indibiduwal, ang RPSB na ang  pupunta sa mga barangay upang maibigay ang kanilang kailangan na dokumento. Maging ang mga liblib na lugar ay kanila ding papasukin  upang mapagsilbihan ang  publiko.

Paliwanag ni  Okubo sa programang RPSB hindi lamang nalilimita sa  sa peace and order ang  tungkulin ng mga pulis kundi tutulong na rin ang mga ito sa pagpapare­histro ng mga barangay at  birth certificate at enrollment sa mga paaralan.

“Tayo na ang  lalapit at pupunta sa barangay na bahagi ng  makabagong serbisyo”, ani Okubo.

Nabatid na umaabot sa 50 doktor ang tumulong sa Grand Health Caravan upang matiyak na ang lahat ay daraan sa tamang proseso tulad ng registration, screening, check up at pagbibigay ng gamot.

Ayon naman kay Northern Police District (NPD) director PBrig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, naging maayos  ang health caravan sa tulong na rin ng mga opisyal at mi­yembro ng NCRPO, ang Caloocan City Police sa pa­ngunguna nina Col. Ruben Lacuesta, Brgy. 175 chairman Ronald Matias, DOH regional director Dr. Aleli Annie Sudiacal at Dr. Angel Cortez.

RPSB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with