^

Metro

2 Indian terrorist, idineport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
2 Indian terrorist, idineport
This file photo shows the Ninoy Aquino International Airport.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Dalawang Indian national na pinaghihinalaang miyembro ng tero­ristang grupo na Khalistan Tiger Force (KTF), ang tuluyan nang naideport nitong Huwebes ng gabi sa kabila na nagtangka pa ang isa sa mga ito na tumakas, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ang mga suspek na sina Hayer Amriptal Singh, 24 at Amrikh Singh, 23, ay dinala sa NAIA Terminal 1 ng mga ahente ng CICC at Bureau of Immigration.

Isinakay ang mga ito sa Thai Airways flight TG 625 at TG 331 Manila patungong New Delhi via Bangkok.

Sinabi ni CICC Executive Director Alexander K. Ramos na sinubukan pang tumakas ng isa sa mga suspek na si Hayer Amritpal Singh na nagdulot ng kaguluhan sa departure area ng NAIA.

Agad namang nahuli ang suspek matapos itong tumalon sa hagdanan ng departure area at luma­gapak sa arrival area ng paliparan.

Ang dalawa na pinaniniwalaang kaanib sa  KTF ay natunton ng mga ope­ratiba sa isang eksklusibong subdivision sa Iloilo City noong Marso 7.

Idineklara ng gobyerno ng India ang Khalistan Tiger Force, bilang mga teroristang organisasyon sa ilalim ng Unlawful Activities (Prevention) Act, UAPA. Inuri ng Union Home Ministry ang Khalistan Tiger Force bilang isang militanteng sangkap dahil nilalayon nitong buhayin ang terorismo sa Punjab.

Ang organisasyon ay nagsusulong ng iba’t  ibang gawain ng teroris­mo, kabilang ang mga target na pagpatay sa Punjab.

Nakalusot sa bansa ang nasabing mga terorista gamit ang mga pekeng passport.

Ang mga suspek ay nasa Interpol  Red Notice watchlist at nahaharap sa mga kasong murder, paglabag sa Explosive Substances Act 2001 at Unlawful Activities Prevention Act 1967 ng India.

KTF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with