3 dayuhan, 2 Pinay timbog sa cryptocurrency scam
MANILA, Philippines — Natimbog ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang limang indibidwal kabilang ang dalawang Israeli at isang Amerikano na sangkot umano sa cryptocurrency scam.
Isinagawa ang entrapment operation sa Kapitolyo sa Pasig City kagabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Shay Semo, alyas Shai at Chen Keren, alyas Novick/Chen Benjamin, kapwa Israeli at Amerikanong si Aron Dermer alyas Aaron/Shoes na pawang mga may-ari ng ni-raid na establisimento.
Nadakip din ang dalawang Pinay na computer agents na sina Marie Mizukami at Krizzia Garcia.
Ang mga suspek ay huli sa aktong nagsasagawa ng online fraud habang ka-chat ang mga biktima sa computer.
Nabatid na nakatanggap ng ulat ang PNP-ACG hinggil sa operasyon ng mga suspek. Agad itong bineripika ng mga awtoridad at ikinasa ang entrapment operation.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng computer-related fraud sa ilalim ng R.A. No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest