^

Metro

Grab driver niratrat, patay sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Grab driver niratrat, patay sa Maynila
Sa inisyal na ulat  na ipinadala ng Public Information Office ng Manila Police District, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
STAR/ File

Habang may sakay na pasahero

MANILA, Philippines — Patay ang isang Grab driver nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect na sakay ng pu­ting Toyota Fortuner, sa panulukan ng Herrera at Tayuman Sts., sa Sta. Cruz, Maynila, Biyernes ng hapon.

Hindi na naisalba pa makaraang isugod sa pagamutan ang biktimang si Ronwaldo Lapidario, 40, TNVS driver na residente ng San Vicente, Bulacan.

Sa inisyal na ulat  na ipinadala ng Public Information Office ng Manila Police District, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa Manila Police District-Station 3, narekober sa crime scene ang nasa 11 basyo ng bala mula sa 9mm kalibre ng baril.

Kinukunan naman ng salaysay ang pasahero ng biktima na saksi sa insidente.

Isinara naman sa trapiko ang Tomas Mapua St., pagitan ng Tayuman at Herrera Sts., habang ipinoproseso pa ang im­bestigasyon sa crime scene ng mga tauhan ng SOCO at Homicide Section.

Habang sinusulat ang balitang ito ay blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen, habang pa­tuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.

vuukle comment

GRAB DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with