4 na Pasig River Ferry Station, isinara
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng apat na istasyon ng Pasig River Ferry System para sa isasagawang repair.
Batay sa advisory na nakapaskil sa MMDA Pasig River Ferry Service Facebook page, ang Valenzuela, Maybunga, Lambingan at PUP stations ay isinasaayos kaya pansamantala muna itong isasara.
Wala pang tiyak na petsa kung kailan muling magbubukas ang mga istasyon.
Samantala, patuloy lang ang operasyon, para magsilbi sa mga pasahero, ng siyam pang stations na kinabibilangan ng Pinagbuhatan, Sa Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Escolta, Sta. Ana. Lawton, Quinta at Hulo.
- Latest