^

Metro

Online accounts ng Tukomi Brothers, posibleng ipasara ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Online accounts ng Tukomi Brothers, posibleng ipasara ng PNP

Kidnapping prank

MANILA, Philippines — Matapos ang kidnapping prank, pinag-aaralan ngayon ng  Philippine National Police (PNP) ang pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers, isang popular na YouTube content creator na may mahigit 4 milyong followers.

Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, delikado ang ginawang kidnapping prank ng Tukomi Brothers dahil nangangailangan ito ng responde ng pulis.

Nabatid na nasaksihan ng isang off-duty na pulis ang fake kidnapping, na muntik nang humantong sa engkwentro.

Paliwanag ni Fajardo, ang ganitong prank ay delikado lalo pa’t tungkulin ng mga pulis na rumesponde sa anumang masaksihang banta sa seguridad.

Paalala ni Fajardo sa mga content creator sa social media na iwasang gumawa ng mga prank na posibleng ikapahamak nila.

Hindi naman maaa­ring magsawalang kibo ang PNP sa fake kidnapping dahil posible itong magdulot ng do­mino effect at tularan ng iba.

Pinag-aaralan ng PNP ang mga karagdagang kasong pwedeng isampa laban sa Tukomi Brothers.

PNP

PRANK

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with