^

Metro

Miyembro ng ASG, huli sa Parañaque

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na namamasukang construction worker sa Parañaque City, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Kirby John Kraft, nakilala ang nadakip na si Alpin Salahuddin, na kilala rin sa pangalang Almad Pantangan, 38, at may warrants of arrest sa mga kasong murder at attempted murder na ­inisyu noong Hulyo 23, 2009 ni Judge Gregorio V. Dela Peña III, ng Regional Trial Court Branch 12, Zamboanga City.

Isilbi ang warrants of arrest laban kay Salahuddin alas- 8:00 ng gabi sa may Marina Bay South Shore Project, Jackson Avenue, Don Galo, Parañaque.

Nasamsam dito ang isang unit ng .45 caliber pistol na Firestorm Contender, isang .45 Caliber magazine na may 8 live ammunition at isang hand grenade.

Ayon sa ulat, ang mga tauhan ng Southern Police District Special Operations Unit kasama ang Philippine Navy at Joint Task force NCR, PAOCC, DDEU, DID-SPD, DMFB-SPD, Parañaque CPS, Las Piñas CPS at Zamboanga CDO ay nagsagawa ng magkasanib na operasyon matapos matunton na nagtatrabaho sa EBR Construction Company.

Ang akusado ay isang miyembro ng ASG na nakalista sa no. 7 sa Periodic Status Report na kasangkot sa kidnapping at extortion activities at nagtago nang higit sa labintatlo 13 taon.

ASG

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with