^

Metro

Bebot nagtangkang tumalon sa gusali, nailigtas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bebot nagtangkang tumalon sa gusali, nailigtas
Nagawang masagip ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang isang babaeng nagtangkang tumalon mula sa ika-6 na palapag ng isang gusali sa Alvarado sa Binondo, Maynila kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga awtoridad ang isang 22-taong gulang na babae na nagtangkang tumalon mula sa ikaanim na palapag ng isang gusali sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasagip sa alyas na ‘Gina’, dalaga, isang helper at naninirahan sa Alvarado St., Binondo, ng naturang siyudad.

Sa ulat ng Meisic Police Station 11, dakong alas-8 ng umaga nang isang concerned citizen ang nag-ulat sa kanila ng isang babae na nasa ikaanim na palapag ng isang gusali sa may Alvarado St. sa Binondo at posible umano na magpapatiwakal.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar at inabutan ang babae na nakaupo sa gutter ng palapag ng gusali.  Pinakusapan ng mga pulis ang babae na huwag ituloy ang kaniyang tangka habang inakyat naman ng mga bumbero ang biktima.

Makalipas ang ilang minuto ng negosasyon, nagawang mapakalma ng mga negosyador ang babae hanggang sa tuluyan nila siyang madakma at maibaba sa gusali.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima para sa medikal na pagsusuri habang inaalam pa ang dahilan ng kaniyang tangkang pagpapakamatay.

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with