^

Metro

Bebot na may 9 na warrants sa syndicated illegal recruitment, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot na may 9 na warrants sa syndicated illegal recruitment, timbog
Pinuri naman ni National Capital Region Police Office Chief, P/Major General  Edgar Alan Okubo ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division Anti-Carnapping Task Group para sa matagumpay na pagdakip sa akusado.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Swak na sa kulungan ang isang  babae  na may siyam na warrant of arrest at posibleng hindi na muling makagala dahil sa ‘no-bail recommended’ sa kinakaharap nitong kaso ng syndicated illegal recruitment.

Natunton sa kanyang pinagtataguan sa Alabang, Muntinlupa City, si ­Catherine Sioson, 42.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office Chief, P/Major General  Edgar Alan Okubo ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division Anti-Carnapping Task Group para sa matagumpay na pagdakip sa akusado.

Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng intel driven ­operations ang mga ope­ratiba ng RID ACTG kaugnay sa standing warrant of arrest para sa syndicated illegal recruitment na inisyu noong Enero 15, 2019  Judge Ariel Palce,  Presiding Judge, Regional Trial Court Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela, na walang kaukulang piyansa.

Nang beripikahin pa sa  pamamagitan ng pinahusay na PNP E-Warrant system,  natuklasan na may walo pang warrant of arrest na nakabinbin laban kay Sison.

EDGAR ALAN OKUBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with