^

Metro

Mataas na singil ng driving school, bawal na - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mataas na singil ng driving school, bawal na - LTO
LTO Chief Jay Art Tugade
Facebook / Jayart Tugade

MANILA, Philippines — Bawal nang maningil ng mataas na halaga ang mga accredited driving school sa mga aplikante ng drivers license .

Ito ang sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade kaugnay ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 o “Omnibus Guidelines on the Accreditation, Supervision, and Control of Driving Institutions, and the Standardization of Driver and Conductor’s Education” na ipinaiiral ng Land Transportation Office (LTO).

Sa media forum, sinabi ni Tugade na mula April 15 ngayong taon, ipatutupad na ang naturang hakbang kung saan ang nagmamaneho ng motorsiklo ay magbabayad lamang sa driving school ng P2,500 at may maximum na P4,000 sa magmamaneho ng light vehicles at ibang uri ng sasakyan.

Inanunsyo rin ni Tugade na open na ulit at maaari nang magpa- accredit sa LTO ang mga nais mag-operate ng driving school.

Sa ngayon mayroon anyang 1,400 driving school ang accredited ng LTO nationwide.

Sinabi ni Tugade na ang sinumang driving school operators na hindi susunod sa patakaran ng LTO para dito ay maaaring magmulta ng P50,000 sa unang offense, second offense ay multang P100,000 at 6 months suspension at 3rd offense ay revocation ng accreditation

Muling nanawagan si Tugade sa publiko na ipagbigay alam sa LTO officers o ireklamo sa LTO online - “Isumbong mo kay Chief” ang mga nakikitang iregularidad sa mga operasyon ng tanggapan at hindi nagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mamamayan.

Pinayuhan din ni Tugade ang mga dri­vers license applicant na huwag makipag transaksyon sa fixers.

Nakatutok din anya ang LTO sa mga dri­ving school operators na nagsasagawa ng non- appearance o hindi na dumaraan sa driving exam ang mga aplikante at bagkus ay magkakaloob ng agarang sertipikasyon sa mga kumuhuha ng driving school certificate.

Mataas na singil ng driving school, bawal na - LTO

 

Angie dela Cruz

 

MANILA, Philippines — Bawal nang maningil ng mataas na halaga ang mga accredited driving school sa mga aplikante ng drivers licensZZ .

Ito ang sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade kaugnay ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 o “Omnibus Guidelines on the Accreditation, Supervision, and Control of Driving Institutions, and the Standardization of Driver and Conductor’s Education” na ipinaiiral ng Land Transportation Office (LTO).

Sa media forum, sinabi ni Tugade na mula April 15 ngayong taon, ipatutupad na ang naturang hakbang kung saan ang nagmamaneho ng motorsiklo ay magbabayad lamang sa driving school ng P2,500 at may maximum na P4,000 sa magmamaneho ng light vehicles at ibang uri ng sasakyan.

Inanunsyo rin ni Tugade na open na ulit at maaari nang magpa- accredit sa LTO ang mga nais mag-operate ng driving school.

Sa ngayon mayroon anyang 1,400 driving school ang accredited ng LTO nationwide.

Sinabi ni Tugade na ang sinumang driving school operators na hindi susunod sa patakaran ng LTO para dito ay maaaring magmulta ng P50,000 sa unang offense, second offense ay multang P100,000 at 6 months suspension at 3rd offense ay revocation ng accreditation

Muling nanawagan si Tugade sa publiko na ipagbigay alam sa LTO officers o ireklamo sa LTO online - “Isumbong mo kay Chief” ang mga nakikitang iregularidad sa mga operasyon ng tanggapan at hindi nagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mamamayan.

Pinayuhan din ni Tugade ang mga dri­vers license applicant na huwag makipag transaksyon sa fixers.

Nakatutok din anya ang LTO sa mga dri­ving school operators na nagsasagawa ng non- appearance o hindi na dumaraan sa driving exam ang mga aplikante at bagkus ay magkakaloob ng agarang sertipikasyon sa mga kumuhuha ng driving school certificate.

DRIVING SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with