^

Metro

Chinese, gamit tunay na Philippines passport, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese, gamit tunay na Philippines passport, timbog
Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), kinilala ang naaresto na si Zhou Jintao, 24.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang paggamit ng mga dayuhan sa tunay na Philippine passport makaraang isang Chinese national ang mahulihan nito sa Caticlan International Airport sa Boracay, Aklan kamakailan.

Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), kinilala ang naaresto na si Zhou Jintao, 24.

Nagpakilala umano ito sa mga immigration officers sa Caticlan sa pangalang Jansen Tan.

Ayon pa sa ulat, bukod sa pasaporte na natagpuang geniune, may hawak din si Zhou na Phi­lippine PWD (person with disability) ID, postal card, Tax Identification Number ID, isang National Bureau of Investigation (NBI) clea­rance, at birth certificate na nagsasaad na ipinanganak siya sa Sibulan, Santa Cruz, Davao del Sur sa isang Filipinong ama at ina.

Ngunti sa gitna ng inspeksyon, napansin ng immigration officer na hindi marunong magsalita ng Tagalog o anumang lokal na wika ang dayuhan dahilan para harangin siya.

Nang isailalim pa sa pagtatanong, tuluyang ­inamin ni Zhou na isa siyang Chinese citizen.  Nadiskubre rin sa kaniyang travel record sa BI database na duma­ting siya sa Pilipinas noong Hunyo 30, 2019.

Dito na siya inaresto at inilipat sa BI warden facility sa Bicutan, Taguig habang gumulong na ang kaniyang deportasyon.

CATICLAN INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with