Number coding balik na- MMDA
MANILA, Philippines — Balik na ngayong Martes ang pagpapatupad sa number coding scheme.
Ito ang inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsabing hindi na kailangang suspendihin ang number coding base na rin sa nakita nilang hindi naman naparalisa ang biyahe sa unang araw ng tigil-pasada.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, na hindi naman naparalisa ang transportasyon kaya’t hindi na palalawigin pa ang suspensyon sa number coding.
Aniya, ‘yung protesta ng dalawa o 3 transport group kakaunti ang sumama .
Lumalabas na kaunti lang ang sumama sa tigil-pasada at mas pinili ng mas maraming operators at drivers na pumasada.
- Latest