^

Metro

30 milyong litro ng tubig nasasayang sa malaking butas sa tubo ng Maynilad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
30 milyong litro ng tubig nasasayang sa malaking butas sa tubo ng Maynilad
Photo shows Maynilad workers conducting leak repair and pipe replacement activities.
Maynilad Water Services, Inc.

MANILA, Philippines — Tinatayang may 20 milyon hanggang 30 milyong litro ng tubig ang nawawala sa Makati City at Maynila matapos madiskubre ang malaking butas sa tubo na nasa Osmeña Highway corner Zobel Roxas sa Makati

Ang naturang butas ay nadiskubre matapos ang isinagawang intensive leak detention activity ng Maynilad.

Base sa initial assessment, ang leak ay mula sa 2,200mm-diameter primary line na matatagpuan sa lalim na pitong metro. 

Kaya naman kinakailangan hukayin ang lugar at ilabas ang pipe upang lubusang ma-assess ang extent ng damage bago magsagawa ng repair. 

Kapag nakumpuni ang nasabing pipe leak, makakatulong daw ito sa pag-improve ng water pressure sa katabing mga lugar, at magkakaroon din ng karagdagang supply sa mga customer. 

Maglalabas ang Maynilad ng listahan ng mga apektadong barangay at ng kani-kanilang service interruption schedule kaugnay ng isasagawang leak repair bago ito isagawa para makapaghanda ang maaapektuhang customers.

MAYNILAD

REPAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with