^

Metro

Van salpok sa EDSA busway: 3 sugatan

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Van salpok sa EDSA busway: 3 sugatan
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi kung saan tatlong lalaking pawang sakay ng isang van ang nasugatan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlo ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang van sa bus habang binabaybay ang bahagi ng EDSA Bus Ca­rousel lan sa may EDSA-Centris sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi kung saan tatlong lalaking pawang sakay ng isang van ang nasugatan.

Duguan at nami­milipit sa sakit ang tatlong biktima matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang bus, habang binabaybay nila ang bahagi ng EDSA Bus Carousel lane sa naturang lugar.

Wasak na wasak ang harapan ng van at basag din ang windshield nito kaya’t naging pahirapan ang paghugot sa mga biktima mula sa van.

Naisugod naman kaagad sa pagamutan ang mga biktima at nilapatan ng lunas.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na binangga umano ng van ang pampasaherong bus, na noon ay nakahinto lang at nakapila malapit sa Quezon Avenue Station.

Sa lakas umano ng impact nito, bumangga rin ang bus sa isa pang bus na nasa harapan nito.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero ng mga naturang bus.

Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with