^

Metro

Kotse ipinatutubos sa may-ari, kelot timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto sa isang entrapment operation sa Makati City kamakailan  ang isang lalaki makaraang ipatubos ang isang kotse sa totoong may-ari nito.

Kinilala ang nadakip na si Prudencio Quido Jr., 45, isang real state agent.

Sa ulat ng pulisya, dumulog sa kanila ang biktimang si Geoffrey Dasco Jr., 41, at inireklamo si Quido na kinokotongan umano siya ng P250,000 para maibalik sa kaniya ang kaniyang Wigo type na hatchback na kotse.

Sa salaysay ni Dasco, nakigarahe siya sa bahay ng kaniyang pinsan sa Brgy. San Lorenzo sa Makati halos isang buwan na ang nakakaraan.  Nang balikan niya ang sasakyan ay nawawala na ito habang nagtungo sa Japan ang kaniyang pinsan.

Napag-alaman ni Dasco na ibinigay umano ng kaniyang pinsan ang kaniyang kotse kay Quido na nang kaniyang kontakin ay hiningan siya ng P250,000 para maibalik sa kaniya ito.  Dito na siya humingi ng tulong sa Makati City Police dahilan para madakip si Quido nang tanggapin niya ang inihandang boodle money.

Sa loob ng istasyon, idinipensa ni Quido ang sarili dahil sa inakala niya na sa pinsan ni Dasco ang kotse na ibinibenta sa kaniya.

Narekober naman ang sasakyan sa follow-up operation sa Calamba City, Laguna kung saan pinarenta ito ng suspek.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect.

PRUDENCIO QUIDO JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with