Bagong silang na sanggol, pabakunahan laban sa Tuberculosis - Quezon City Health Department
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City Health Department ang mga ina na kapapanganak pa lamang na pabakunahan ang bagong silang nilang anak ng Bacille Calmente-Guerin.
Ang Bacille Calmette-Guérin (BCG) vaccine ay proteksyon laban sa tuberculosis na nakakahawang sakit sa baga at nakakaapekto sa utak ng mga bata na kung mapapabayaan ay posibleng mauwi sa kamatayan.
Ayon sa QC health department, mahalagang masigurong mabigyan ng naturang bakuna ang kanilang anak pagkapanganak upang maprotektahan sa sakit na TB.
Ang tuberculosis o TB ay isang nakakahawang sakit sa baga na nakukuha mula sa mikrobyong Mycobacterium tuberculosis.
Pinayuhan ng City Health Department ang mga ina na pumunta sa doktor o sa pinakamalapit na Quezon City health center para sa mga kailangang bakuna ng kanilang mga anak.
- Latest