^

Metro

Libong deboto dumagsa sa ‘Pagpupugay’ ng Itim na Nazareno

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Libong deboto dumagsa sa ‘Pagpupugay’ ng Itim na Nazareno
Nagsimula nang dumagsa ang mga deboto sa isinagawang ‘Pagpupugay’ sa imahe ng Itim na Nazareno na kasalukuyang nakahimpil sa Quirino Grandstand sa Maynila. Ang ‘Pagpupugay’ ang ipinalit sa tradisyunal na ‘Pahalik’ sa imahe dahil na rin sa COVID pandemic.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dinagsa na ng libu-libong deboto ng Itim na Poong Nazareno ang ‘Pagpupugay’ na isinasagawa sa Quirino Grandstand  sa Maynila na tatagal hanggang sa Lunes (Enero 9).

Hindi naging hadlang sa mga deboto ang klima at pagpapalit sa tradisyunal na ‘Traslacion’ at ‘Pahalik’ na ngayon ay ginawang ‘Pagpupugay’.

Halatang sabik matapos ang dalawang taon, na muling makapagpahid ng panyo o tuwalya  at mahawakan ang imahe ng Poong Nazareno, hindi tulad noong mga nakalipas na may ‘Pahalik”, bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Maayos ang pila at pawang nakasuot ng face masks ang mga deboto.

Ang unang misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Hans Magdurulang na nagsabi sa kanyang homiliya na ang Quirino Grandstand ay ang lugar kung saan nasaksihan ng mundo hindi lang ang milyun-milyong deboto kundi maging ang matibay na pananampalataya ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno.

Ayon sa Manila Police District (MPD), kahit mahigit sa libong deboto  ang nagsipila ng  madaling araw ay hindi naman gaano siksikan dahil pagkatapos na manalangin  ay nagsisiuwian na rin.

May hiwalay naman na pila para sa persons with disability, senior citizens, at mga buntis.

Ngayong Linggo naman ay isasagawa ang Walk of Faith.

Samantala, sa Quiapo Church o Minor Basilica ay patuloy lang sa pagdagsa ang mga deboto.

FEAST OF BLACK NAZARENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with