^

Metro

Water at wastewater service expansion sa East Zone, pinaigting ng Manila Water

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 7.4 milyong consumers  sa  East Zone ng Metro Manila at lalawigan ng  Rizal  ang ngayoy  24/7  na nasusuplayan ng malinis na inuming tubig dahil sa pi­naigting na service expansion program ng naturang kompanya.

Nitong September 2022,  ang Manila Water  ay nakapaglagay na ng kabuuang  1,142,884 water service connections na kapapalooban ng  1,088,097 domestic connections at 54,787 commercial at industrial connections para sa kabuuang 7,446,386 populasyon.

Sa 3rd quarter  ng 2022,  ang Manila Water ay nakatapos na ng 40 pipela­ying, mainline extension at  individualization projects  sa naturang lalawigan at nagbenepisyo  dito ay may 13,500  pamilya.

Para sa nalalabing araw ng 2022, tatapusin ng Manila Water ang dagdag  10  pipelaying projects sa Rizal na may dagdag 3,469 pamilya ang makikinabang dito.

Ang connections  sa  sewer service  ay tumaas ng 5,011  o mula 268,934 connections noong July ay naging  273,945 connections  nitong  September.

Dulot ng patuloy na pagdami ng populasyon sa Metro Manila at kalapit lalawigan, handa ang Manila water na serbisyuhan ang mga underserved at unserved customers at pagkalooban ang mga ito ng uninterrupted piped-in water supply kahit  pa malalayo ang kanilang lugar sa kanilang service area.

EAST ZONE

MANILA WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with