Honest na Job Order employee, prinomote
MANILA, Philippines — Instant promotion, cash reward at certificate of recognition ang ipinagkaloob ng Parañaque City government sa isang janitress na nagsoli ng naiwang pera ng isang taxpayer sa city hall, kamakailan.
Si Helen Arellano, isang job-order employee ng janitorial services ng Parañaque City LGU ay binigyan ng pagkilala sa ginanap na flag raising ceremony kahapon dahil sa kaniyang katapatan at agad na prinomote bilang isang casual employee mula sa dating job order position.
Nabatid na noong Nobyembre 17, 2022 nang isoli ni Arellano ang napulot na P30,000. Nang tingnan ang dokumento kasama ng naiwang pera, natukoy ang may-ari na isang taxpayer ng Real Property Tax.
“We need more honest employees like Helen Arellano, and we would like her to be a role model and a good example to all our employees,” ani Parañaque Mayor Eric Olivarez.
- Latest