Daan-daang bangkay sa Eastern Funeral, ‘mass disaster’ - Fortun
MANILA, Philippines — Tinawag ni forensic expert Dr. Raquel Fortun na isang ‘mass disaster’ ang pagkakatagpo sa daan-daang bangkay ng mga bilanggo sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City na isang malaking problema kung ano ang susunod na hakbang dito.
“The biggest challenge here is how do you manage [the] dead, and you can liken this to a mass disaster,” saad ni Fortun.
Nabulaga si Fortun sa dami ng bangkay na nakaimbak sa punerarya nitong nakaraang Sabado. Ilan sa mga ito ay nakaimbak na umano sa morgue mula noong Disyembre 2021 pa.
Sa mahigit 170 mga bangkay, 120 sa mga ito ang “mummified” na o natuyo na ang katawan. Nasa 50 bangkay naman lalo na ang mga kamamatay pa lang, ang maaari pang isailalim sa eksaminasyon.
“The internal examination of the mummified remains could be very, very difficult,” ayon pa kay Fortun. “A full autopsy, I believe, would still be possible, especially in the recent deaths. Some of them can still be examined,” dagdag niya.
Pangungunahan ni Fortun ang eksaminasyon sa mga bangkay para mabatid ang sanhi ng kamatayan nila at makagawa ng ulat para sa pamahalaan.
“The good news is each body comes with a death certificate, and they are identified and there seems to be a system,” paliwanag ni Fortun. Nilinaw naman niya na kailangan ng kumpletong ebidensya para masabi na may naganap na “foul play” sa mga inmates na ito ng New Bilibid Prison (NBP).
- Latest