^

Metro

11 residente, kinilala sa ‘Gawad Parangal’ ng Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang pagkakaloob ng parangal sa 11 residente na may natatanging kontribusyon sa pag-­unlad sa lungsod sa ginanap na 20th Manuel L. Quezon Gawad Parangal bilang bahagi ng 83rd Founding Anniversary ng QC.

Kabilang sa mga binigyan ng parangal sina dating Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Dr. J Prospero De Vera, Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), Ms. Ana Rosa S. Almario, Vice President ng Adarna House at School Director ng Raya School Elementary School,  Ditta Sandico-Ong, isang visionary fashion designer, Antonio Joselito Lambino II, Managing Director for Strategic Communications ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Sonia Malasarte-Roco, co-founder ng Metro Manila Community Orchestra, Therese Cla­rence “Reese” Fernandez-Ruiz, advocate ng eco-ethical lifestyle, Alfredo Macam-Yao, isang entrepreneur, Danny Buenafe, News Bureau Chief ng ABS-CBN Europe at ABS-CBN Middle East, World Vision at Estrel’s Caramel Cake.

Tema ngayong taon ng okasyon ang “Sama-samang Pagbangon sa Bagong Panahon.”

“Ang pagpupugay na ito ay hindi lamang pagkilala sa mga natatanging hiyas ng ating lahi. Sabi nga ni Presidente Quezon, ang inyong tagum­pay ay hindi lamang tagumpay ng ating bayan, kundi maituturing na yaman ng diwa ng buong sangkatauhan. I dare say that the accomplishments that we are celebrating today are real treasures of the human spirit,” ayon kay Belmonte.

Kinilala ang 11 indibidwal dahil sa ipi­namalas na galing sa iba’t ibang larangan.

Taong 2022 nang magsimula ang Gawad Parangal at isinasagawa tuwing buwan ng Oktubre kasabay ng founding anniversary ng lungsod.

GAWAD PARANGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with