Honda Prestige nagdiwang ng ika-25 taong anibersaryo
MANILA, Philipines — Para sa mga bata pa noong dekada 90, malamang natatandaan nila ang maraming mga mahahalagang sandali ng kasaysayan noong 1997 kapwa dito sa Pilipinas at sa buong mundo.
Noong panahong iyon, unang lumapag sa kalupaan ng planetang Mars ang Pathfinder space probe ng NASA habang ipinakilala ng Roslyn Institute ang unang matagumpay na cloned mammal na si Dolly na isang tupa.
Sa halagang $261 bilyon, naging pinakamahalagang kumpanya ang Microsoft habang si Tiger Woods ang naging pinakabatang golfer sa mundo na nanalo ng Masters. Sa kabilang dako, ang Chess Grand Master na si Gary Kasparov ay tinalo ni Deep Blue, isang chess-playing computer ng IBM na isang mahalagang pangyayari sa computer industry and technology.
Dito sa Pilipinas, idineklarang mga lunsod noong 1997 ang Las Piñas at Kabankalan (Negros). Pinalutang sa kalawakan at sinimulang gamitin ang Agila 2 na unang satellite ng bansa. Nilagdaan naman ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos ang batas ukol sa Indigenous People’s Rights Act o Republic Act 8371 na nagtatag sa National Commission on Indigenous People.
Sa lokal na industriya ng motorsiklo, isang napakahalagang kaganapan ang naukit sa kasaysayan nang simulan ng Honda Prestige Traders Inc. (HPTI) ang kanilang operasyon sa pagbubukas ng una nitong tindahan sa Cainta, Rizal.
Itinatag ang HPTI para tugunan ang pangangailangan ng mga mapanuring Filipino motorcycle riders. Suportado ito ng kasanayan at karanasan ng Ongtenco Group sa motorcycle dealerships sa pangunguna ng Founder at Chairman Emeritus nitong si Vicente N. Ongtenco.
Habang nagbabago ang dahilan ng pagbili ng motorsiklo - mula sa pangangailangang commercial at business hanggang sa kasalukuyang lifestyle-defining hobby, unti-unti at madiskateng nakapagbukas ang HPTI ng marami pa nitong mga sangay sa buong Luzon at Visayas. Ang kanilang pinakamalaki at highest-selling na tindahan ay matatagpuan sa Palawan.
Sa pagdaaan ng 25 taon, ang HPTI ay mayroong ng 33 stores sa buong bansa na patuloy na nagbibigay ng excellent customer service experience sa kanilang mga customer - personal mang bumibisita sa kanilang tindahan o kaya ay thru online platforms.
Sa pakikipagtulungan sa Honda Philippines Inc., ang HPTI ay patuloy na maghahatid ng marami pang innovative, high-quality at value-for-money motorcycle products and services.
Ipinagdiwang nga kamakailan ng HPTI ang ika-25 taong anibersaryo nito sa headquarter ng Motortrade sa Mandaluyong City. Dumalo rito ang ilang mga executives ng Honda Philippines Inc. tulad nina President Susumu Mitsuishi, Vice President Jomel Jerezo at AVP Adviser - MC Sales and SCM Takamoto Iijima.
Kabilang sa mga HPTI executives na dumalo sa okasyon sina Chairman Thomas C. Ongtenco, President Ramon B. Manzana, Vice President Victor C. Ongtenco at Board Member Paulino C. Ongtenco.
Naroon din sa pagdiriwang ang dalawa sa pinakamahalagang mga motorsiklo sa lineup ng Honda na nagmarka sa puso ng mga Filipino riders - ang TMX 155 at ang Super Cub.
Ang TMX 155 na kanilang idinisplay sa okasyon ay ang kanilang ika-959,293 unit, na isa sa mga huling unit mula sa original na TMX production line noong 2014. Nagtataglay ito ng gold at chrome livery na talagang natatangi.
Nilikha ng Honda ang TMX series o Tricycle Model Xtreme, na isang linya ng mga motorsiklong pangnegosyo. Ang TMX155 ay pinaaandar ng 155.3 cc four-stroke, OH, air-cooled engine na sinadya para sa heavy-duty tricycle use. Meron itong 4-down manual transmission at isang primary Kickstarter at magneto AC-CDI ignition. Keeping bumps at bay is a setup of telescopic fork front suspension and twin rear suspension.
Samantala, ang Super Club na isang klasikong motorsiklo ay unang nilikha ng Honda noong 1958. Isa itong underbone motorcycle na merong four-stroke, single-cylinder engine ranging in displacement from 49 to 124 cc. and weighing 55-90 kg with front and rear drum brakes. Ang unit na iprinisinta sa okasyon ay ipinagkaloob ng HPI sa HPTI bilang pagkilala dito bilang pangunahing dealer ng motorsiklo sa Pilipinas.
Nakapanayam din si HPTI President Manzana at tinanong siya hinggil sa silver anniversary ng HPTI at ang papel ng kumpanya sa pagbibigay ng accessible mobility sa buong 25 taon ng operasyon nito at ilang sulyap sa hinaharap.
Una, isang pagbati sa Honda Prestige sa pag-abot nila ng 25 taon. Sa loob ng dalawa at kalahating dekada, ano ang maituturing na pinakamalaking tagumpay ng kumpanya?
Salamat. Dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan, pangunahin lang nagagamit ang mga motorsiklo bilang traysikel. Merong malakas na paniniwala na ang motorsiklo ay hindi ligtas bilang personal na sasakyan. Iilan lang ang nagmamay-ari nito. Kabilang kami sa mga unang nagpabago sa paniniwalang ito. Itinaguyod namin ang motorsiklo bilang praktikal at magaling na paraan ng pagbiyahe. Sa tingin ko, isang patunay sa aming tagumpay ang traffic landscape ngayon.
Paano hinaharap ng Honda Prestige ang nagaganap na pandemya? Nakaapekto ba sa negosyo ang limited mobility sa mga unang buwan ng pandemya?
Mahirap talaga pero salamat sa Diyos at kami ay nakaadjust at nasabayan namin ang pagbabago. Salamat sa dedikasyon ng mga tao namin. Nakatulong din na ang pagmomotorsiklo ay isang natural na paraan ng social distancing.
Paano natulungan ng Honda ang mga gustong magkaroon ng Honda motorcycle sa panahon ng health crisis?
We worked doubly hard para makumbinsi ang mga business partners namin, ang Bank of Makati at ang BMI Finance, para magbigay ng low down payment installment schemes. Nag-alok kami ng mga used motorcycles at mga alternatibong brand-new models na de-kalidad at abot kaya.
Ano ang maipapayo ninyo sa mga gustong magkaroon ng sarili nilang Honda motorcycle?
Ang maipapayo ko: Mag-enroll kayo sa isa sa aming "Learn to Ride Safely" programs.
Ano ang plano ng Honda Prestige sa susunod na lima – sampung taon lalo pa at lumalaki ang popularidad ng motorsiklo, sa pribadong gamit man o pangkomersiyal?
Patuloy naming palalakasin ang partnership namin sa Honda Philippines at pagsisipakang makapagbukas pa ng maraming tindahan.
Magkakaroon na kaya sa malapit na hinaharap ng mga electric Honda motorcycles? Makikibagay ba ang Honda Prestige sa kalakaran at magbebenta ng battery-powered bikes sa mga kustomer nito?
Exciting sa amin ang prospect na magbenta ng mga electric bikes. Handa kaming pasayahin ang mga kustomer namin at magpatuloy sa mga pagbabago at transformation ng aming operasyon para mas lalong mapabuti ang serbisyong aming binibigay sa mga customer. Sa HPTI, naniniwala kami na ang mga electric bikes ang future ng mga ‘solo rides.’
Malinaw na tumatanaw sa hinaharap si Mansana nang hindi kinaliligtaan ang pinagmulan ng HPTI. Ang mga hamon na dinaanan ng kumpanya sa unang bahagi ng kasalukuyang health crisis ay naging magaan, salamat sa commitment at dedikasyon ng mga empleyado nito.
Pinasalamatan din ng HPTI ang mga empleyado nito na patuloy na isinasabuhay ang corporate values ng kumpanya na integrity, malasakit, positive attitude at teamwork. Pinarangalan din ng HPTI ang mga best performing branches at employees nito, patunay na ang isang kumpanya ay nagiging kasinglakas ng mga taong nasa likod nito.
Kung kaya’t makakaasa tayo ng mas masagana pang mga taon para sa HPTI at sa higit pang paglago nito dahil na rin sa patuloy na suporta ng kanilang mga customers.
“This year marks a very special year for Honda Prestige Traders Incorporated or HPTI. We are extremely proud to be celebrating this significant milestone – our 25th anniversary. It is particularly satisfying and fulfilling to celebrate, considering the many challenges brought about by the Covid pandemic these last two and a half years," pahayag ni HPTI President Manzana sa kanyang panimulang talumpati.
"I would, in fact, like to congratulate us all for the fortitude and hard work that allowed us to overcome and bring us into our 25th year – strong and raring to go! The future of the motorcycle industry looks bright! And we are committed to maintaining our place among the top dealers in the Philippines,” dagdag nito.
Nagpasalamat din sya sa mga taong bumubuo ng HPTI at hinikayat ang mga ito na patuloy na suportahan ang iba pang mga activities hinggil sa kanilang anibersaryo.
“To all our customers, employees, stakeholders and friends, I thank you for your continued commitment to HPTI. And to those who are not able to join us today, we hope to be able to share with you our 25th-anniversary celebration in one of the many planned activities for the rest of the year.”
- Latest