^

Metro

DILG sa mga barangay captain: Constituents hikayating magpa-booster

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG sa mga barangay captain: Constituents hikayating magpa-booster
Children aged 5 to 11 years old, accompanied by their guardians, receive COVID-19 vaccine jabs at the Marikina Sports Complex on Friday (Feb. 11, 2022), the fifth day of pediatric vaccination in Metro Manila.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. ang mga opisyal sa 42,046 barangay sa bansa na hikayatin ang kanilang mga consti­tuents na magpa-booster shots na laban sa CO­VID-19.

Ito’y sa pagdaraos ng Barangay Assembly Days para sa second semester ng 2022 sa ­alinmang Sabado o Linggo ng Oktubre.

Sinabi ni Abalos na dapat na samantalahin ng mga punong barangay ang Barangay Assembly upang talakayin ang advantages ng pagpapa-booster at pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Pinayuhan din sila na imbitahan ang mga mamamayan na makilahok sa government vaccination campaigns gaya ng ‘PinasLakas’.

Dapat din aniyang impormahan ng mga ito ang publiko na ang COVID-19 booster shots ay accessible na ngayon sa kanilang workplace, transportation terminals, drugstores, at iba pa.

“Ngayon ay marami nang opportunity para makapagbapakuna at booster, mahalaga na maipaalam ito sa ating mga kababayan, “aniya pa.

Para sa second semester ng 2022, ang tema ng Barangay Assembly Day ay “Barangayanihan: Barangay at Mamamayan Sama-sama sa Pagtaguyod ng Bayanihan Tungo sa Mas Ligtas at Maunlad na Pamayanan,” na ­alinsunod sa panawagang pagkakaisa ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

BOOSTER SHOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with