IDC Future Enterprise Awards, nakopo ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Nakopo ng Quezon City government ang dalawang top recognition na pinangunahan ng International Data Corporation (IDC) para sa kanilang itinampok na Future Enterprise Awards.
Nakuha dito ng QC LGU ang “Best in Future of Digital Innovation Framework” award at “Best Customer Experience” award dahil sa kanilang digital transformation efforts.
Kinilala ng IDC ang technological implementations ng QC upang makatulong sa mga nais magnegosyo at lumago ang hanapbuhay sa pagnenegosyo.
Mula 2019 ang QC ay nagpatupad ng kumprehensibong programa upang ang proseso sa mga transaksyon ay higit na mapabilis at mapahusay para sa mamamayan.
Noong panahon ng pandemic, ang QC ay naglunsad ng QC Biz Easy Online Unified Business Permit System (OUBPAS) na higit na nagpabilis ng panahon sa pag-aaplay at pagrenew ng business permits ng mga negosyante.
Nagpatupad din ang QC ng Automated Inspection Audit System (AIAS) para higit na mapaigting ang inspeksyon at verification ng regulatory permits compliance.
“We have always prioritized digital technology as a tool for good governance and improved services. Under the guidance of Mayor Joy Belmonte and City Administrator Mike Alimurung, we are so happy that key aspects of our digital transformation are now bearing fruit and reaping benefits for the city and its residents. Rest assured, we have more programs and innovations in the pipeline,” pahayag ni Margie Santos, head ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) of Quezon City. Sinabi ni Santos na malaki ang naitulong ng digital upgrades para makatulong sa micro at small entrepreneurs para makabangon mula sa bumababang ekonomiya.
Ang IDC ay isang global provider ng market intelligence, advisory services, at events para sa tech industry.
- Latest