Nasa 1K residente sa CAMANAVA area nananatili sa evacuation centers
MANILA, Philippines — Nasa 965 indibiduwal sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area ang nananatili pa rin sa mga evacuations centers.
Sa Caloocan, maagang naghanda ng makakain ang City Social Welfare Department para sa 142 indibiduwal na nasa mga evacuation centers tulad ng Malaria Covered court, Brgy. 175, Phase 10 Kalayaan Elementary School, Phase 4 Brgy. 176 covered court at Pangarap Brgy 181 covered court.
Patuloy din ang clearing operations ng City Environment and Management Department sa mga debris, natumbang puno at mga creek.
Personal ding ininspeksiyon ni Caloocan City Mayor Along Malapitan ang Tullahan River sa kasagsagan ng bagyong Karding.
Namahagi rin ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng mainit na pagkain sa mga evacuees, kahapon ng umaga sa 443 na indibiduwal at 107 na pamilya ang kabuuang bilang ng mga naiwan sa evacuation centers sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Pinawi naman ni Mayor Jeannie Sandoval ang pangamba ng mga residente sa pagsasabing ibibigay nila ang kailangang ayuda ng mga naapektuhan at inilikas.
Nasa 380 indibidwal na naiwan sa Valenzuela National High ayon sa pinakahuling ulat ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng lungsod.
Samantala nilinis na ng Clean and Green employees ang evacuation sites at kalye sa lungsod kasunod ng bagyo.
Sa Navotas, nag-uwian na ang 414 mga pamilyang nasa evacuation centers. Imomonitor naman sila ng kanilang mga barangay officials upang maipadala ang kailangang ayuda.
- Latest