MRT-3 may libreng sakay sa government employees sa Lunes
MANILA, Philippines — Magkakaroon ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga lingkod bayan o kawani ng gobyerno bukas, Sept.19,2022 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary sa bansa.
Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr. ang libreng sakay ay isang simpleng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa.
Magsisimula ang libreng sakay alas-7:00 hanggang hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Para makapag-avail ng libreng sakay, magpakita lamang ng valid government ID sa MRT-3 personnel na matatagpuan sa service gate ng bawat istasyon upang mabigyan ng Magnetic Single Journey Ticket.
- Latest