^

Metro

Pulis na sangkot sa indiscriminate firing sa Marikina, sumuko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko ang isang pulis na nasangkot sa indiscriminate firing sa Marikina City noong gabi ng Setyembre 1.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Nicolas Torre III, ang suspek na si PCpl. Felipe Pauig, 32, nakatalaga sa District Tactical Motorized Unit (DTMU), at residente ng Brgy. Tumana, Marikina City, ay nagtungo sa tanggapan ng kanyang superior sa PLtCol. Reynaldo Vitto sa Camp Karingal, Quezon City kamakalawa ng gabi upang sumuko.

Boluntaryo ring isinuko ni Pauig, na kasalukuyan nang nasa restrictive custody, ang kanyang service firearm.

Nauna rito, noong Setyembre 2, 2022 ay ipinag-utos ni Torre ang manhunt laban kay Pauig matapos na masangkot sa pagpapaputok ng kanyang baril kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Jail Officer 1 Dolfino Gatan, na nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) sa  Bicutan, Taguig City at Jestony Pauig, security guard, ng Brgy. Tumana.

Sinampahan din siya ng Marikina Police Station ng kasong paglabag sa Art. 155 o Alarm and Scandal habang ang QCPD naman ang nagsulong ng pre-charge evaluation sa kanyang kaso upang matukoy ang kanyang admi­nistrative liability.

NICOLAS TORRE III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with