^

Metro

2 online predators, swak sa selda

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki at isang babae na sangkot umano sa panggagantso gamit ang internet nang malambat sila sa isang entrapment operation sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Joseph Tablann, 28 at Sittie Diamon Taurac, 26. Natimbog sila sa may Montojo Street, Brgy. Tejeros, Makati City dakong alas-10 ng gabi.

Nabatid na unang na-hack ng mga suspek ang social media account ng isang Anie Montillia Durango at ginamit ang mga sensitibong impormasyon niya para mangotong ng pera sa kaniya.

Dito dumulog sa PNP-Criminal Investigation Detection Group ang biktima at kasama ang mga tauhan ng Makati City Police ay nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

Nabatid na miyembro rin ang mga suspek ng ‘Aya Criminal Group’ na tanyag sa panloloko at pang-i-scam sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 293 (Robbery Extortion), Article 286 (Grave Coercion), Article 282 (Grave Threats) at RA 9995 (Anti Photo and Video Voyeurism Act) ang mga suspek.

SELDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with