^

Metro

Maagang pagpapaenrol sa mga anak, apela ng DepEd sa mga magulang

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Maagang pagpapaenrol sa mga anak, apela ng DepEd sa mga magulang
Parents filled out the enrollment forms of their children during the ongoing school enrollment at the Parang Elementary School in Marikina City on August 1, 2022.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at guardian na maagang i-enroll ang kanilang mga anak para sa school year 2022-2023 para sa pagbubukas ng eskwelahan sa August 22.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, mainam kung mag-enroll ng maaga ang mga bata para maihanda rin ng DepEd ang kanilang aasahan sa mga paaralan.

Paliwanag ni Poa, ma­laki ang naging pagkakaiba ng turnout ng mga mag-aaral ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

Sa unang linggo ng enrollment noong nakaraang taon ay umabot lamang sa 2.4 million ang mga enrollees habang ngayong taon ay 10.4 milyon na mag- aaral ang nagpatala sa unang linggo ng enrollment.

Sa ngayon, pu­malo na sa mahigit 19.26 milyon ang nag-enroll para sa pagbubukas ng klase ngayong pasukan.

Ayon sa DepEd  na mag­lulunsad sila at katuwang na ahensiya mula sa pampubliko at pribadong sektor ng Public Assistance Command Center sa Agosto 15, 2022, upang pangasiwaan ang mga alalahanin at isyu ng publiko tungkol sa pagbubukas ng klase.

DEPED

ENROLLMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with